Linggo, Enero 6, 2013

MODYUL 1 HEOGRAPIYA NG DAIGDIG



BANGHAY ARALIN
Pangkalahatang Impormasyon
May Akda
 Hindi inilahad
Pamagat ng Aralin
Heograpiya ng daigdig
Durasyon
 45 minuto
Lugar
 Silid Aralan
Asignatura/Yunit
Araling Panlipunan III
Antas
 Ika-9 na Baitang
Layunin at Pagsusuri
Mga Layunin
  • Masuri ang mga teoryang siyentipiko at teoryang panrelihiyon;
  • Mapahalagahan ang katangiang pisikal ng daigdig;
  • Maipaliwanag ang kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan;
  • Maipahayag ang kaugnayan ng heograpiya sa mga pandaigdig na phenomena.
Pagtataya
  • Panimulang Pagsusulit
  • Panimulang Gawain (Quiz bee)
  • Pagtatanong ayon sa tinalakay na aralin
  • Panghuling Pagsusulit
  • Takdang Aralin
Paghahanda
Kagamitan/ Sanggunian
  • Handouts (modyul)
  • Pisara at yeso
  • Manila paper
  • Pentel pen
  • Visual aids
 (Dahilan para sa paggamit: upang makuha ang interes ng mga mag-aaral at maintindihan pang mabuti ang leksyon sa pamamagitan ng paghahayag ng kani-kanilang ideya.)
Paghahanda ng Mag-aaral
·         Ang mga mag-aaral ay maghahanda sa pamamagitan ng maagang pagbabasa tungkol sa paksa upang makasabay sa mga gagawing aktibidades.
Paghahandang Pangguro
·         Paggawa ng mga materyales upang maipresenta ng maayos ang mga aralin.
·         Pagbuo ng mga biswal na presentasyon para sa talakayan.
Pamamaraan
Gawain ng Mag-aaral
  • Ang buong klase ay hahatiin sa tamang bilang upang makabuo ng mga grupo kung saan ay magbibigay sila ng mga teorya ukol sa pinagmulan ng daigdig.
  • Magkakaroon ng “Quiz bee” base sa mga paksang tatalakayin.
  • Maglalahad ng mga katanungan base sa mga teoryang pisikal at katangian ng daigdig.
-      Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig: teoryang nebular, dust cloud, dynamic encounter, disrupsyon, solar, planetisimal, kolisyon, bigbang, continental drift.
-      Pisikal na katangian ng daigdig.
-      Kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan.
Gawain ng Guro
  • Magbigay ng paunang pagsusulit sa mga mag-aaral
  • Bigyan ng direksyon o panuto ang mga mag-aaral ukol sa aktibidad na mangyayari sa pagpapaliwanag ng bawat aralin.
  • Pangunahan ang diskusyon sa bawat aralin na tatalakayin.
  • Simulan ang diskusyon sa pamamagitan ng pagtatanong.
  • Ibigay ang wastong panuto upang masimulan ang mga aktibidad na inihanda.
                                                                                           Inihanda Nina:

LIZA MARIE A. ABAYATA
ROSE ANN V. INOVERO                                 (Mga Guro)



Iniwasto ni:


SHERYL R. MORALES, Ph.D
Punung-Guro

  ******************************************************************************

PANIMULANG PAGSUSULIT

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang katumbas na tamang titik.

1. Sa teorya ni Georges Louis Lederc Buffon, nagmula ang sistemang solar sa banggaan ng isang malaking kometa at ng araw.
A. Teoryang Panrelihiyon                   C. Teoryang Dynamic Encounter
B. Teoryang Kolisyon                         D. Teoryang Big Bang

2. Ang teoryang tungkol sa isang malaking bituin na bumangga sa araw.
A. Teoryang Disrupsyong Solar                      C. Teoryang Kondensasyon
B. Teoryang Planetisimal                                D. Teoryang Dynamic Encounter

3. Ang teoryang nagpapanukala na ginawa ang daigdig ng isang kinikilalang Diyos:
A. Teoryang Big Bang                                    C. Teoryang Dynamic Encounter
B. Teoryang Kolisyon                                     D. Teoryang Panrelihiyon
           
4. Teoryang dalawang malalaking bituin na nagbanggaan sa sansinukob:
A. Teoryang Dynamic Encounter                   C. Teoryang Planetisimal
B. Teoryang Kolisyon                                     D. Teoryang Disrupsyong Solar

5. Ayon sa teoryang ito, nagsimula ang daigdig sa pamamagitan ng pagbuo ng mga
masa ng hydrogen gas at atomic dust.
A. Teoryang Planetisimal                                C. Teoryang Kolisyon
B. Teoryang Kondensasyon                            D. Teoryang Disrupsyong Solar

6. Alin sa mga sumusunod ang nagdudulot ng matinding init at pagkatuyo ng lupa?
A. Pagkasira ng ekolohiya                              C. Pagkabutas ng Ozone Layer
B. El Niño                                                       D. Global Warming

7. Ang nangungunang dahilan ng pagkasira ng Ozone Layer.
A. Polusyon at paggamit ng kemikal              C. Greenhouse effect
B. Global Warming                                         D. El Niño

8. Alin sa mga teorya sa ibaba ang nagpapaliwanag ng pagsulpot ng mga kontinente?
A. Teoryang Continental Drift                        C. Big Bang
B. Teoryang Nebular                                       D. Panrelihiyon

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi mahalagang layunin ng pag-aaral ng heograpiya
ng daigdig?
A. Ang daigdig ay tahanan ng tao.
B. Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa.
C. Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao.
D. Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan.


10. Ang heograpiya at kasaysayan ay:
A. hindi magkatulad.
B. may ugnayan sa isa’t isa.
C. magkatulad.
D. walang kaugnayan sa isa’t isa.


  ****************************************************************************

PANGHULING PAGSUSULIT
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang katumbas na tamang titik.

1. Sa teoryang kondensasyon, nabuo ang daigdig sa pamamagitan ng
A. paglalang ng Diyos dito.
B. malaking pagsabog ng dalawang bituin.
C. pagkabuo ng masa ng hydrogen gas at alikabok o atomic dust.
D. pagkakabanggaan ng mga kometa.
2. Ayon sa teoryang dynamic encounter nagmula ang sistemang solar sa
banggaan ng
A. isang malaking asteroid at kometa.
B. isang malaking kometa at araw.
C. dalawang bituin.
D. maliliit na planetoid.
3. Sa teoryang disrupsyong solar, isang malaking bituin ang bumangga sa
A. planetoid                                        C. kometa
B. araw                                                D. nebula
4. Sa teoryang panrelihiyon, ang daigdig ay nabuo sa pamamagitan ng
A. pagkakaanod ng mga lupain.
B. pagsabog ng maliliit na molekyul.
C. pagbangga ng bituin sa araw.
D. paglalang ng diyos.
5. Sa teoryang kolisyon, ang mundo ay nanggaling sa mga tipak ng
nagbanggaang
A. dalawang malaiaking bituin.
B. kometa at araw.
C. mga kumpol ng planetoid.
D. asteroid at kometa.
6. Alin sa sumusunod ang nakaapekto nang malaki sa pagkakaroon ng iba't ibang uri
ng kabuhayan ng mga kultura at kabihasanan sa daigdig?
A. Klima                                             C. Anyo at lawak ng katubigan
B. Porma ng lupa                                D. Lahat ng nasa itaas
7. Ang pagkakaroon ng iba't ibang kontinente sa daigdig ay ipinaliliwanag ng teoryang
___________.
A. Planetisimal                                    C. Nebular
B. Continental drift                             D. Big bang
8. Nagdudulot ito ng matinding init at pagkatuyo ng lupa.
A. pagkabutas ng ozone layer             C. El Niño
B. pagkasira ng kagubatan                  D. Panahon ng Yelo
9. Ang nangungunang suliraning pangkapaligiran na nagiging sanhi ng pagkabutas ng
ozone layer.
A. La Niña                                           C. Satellite sa Kalawakan
B. Polusyon                                         D. Basura
10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang dapat sundin?
A. Dapat linangin ang kalikasan upang magamit sa digmaan.
B. Dapat pangalagaan ang kalikasan at pisikal na yaman ng daigdig upang
magpatuloy nang maayos ang buhay ng tao.
C. Ipaubaya na lamang sa Diyos ang pagliligtas sa sangkatauhan.
D. Hindi mahalaga sa pag-aaral ng heograpiya ang pagpapahalaga sa kalikasan.

  *****************************************************************************

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento